Noli Me Tangere Characters

Noli me tangere characters

Tauhan sa Noli Me Tangere:

  • Ibarra- mayamang binata na may lahing Espanyol at Filipino na kadadating lang galing sa Europa

  • Maria Clara - kababata at babaeng minamahal ni Ibarra

  • Padre Damaso - pari na naninirahan sa Pilipinas na may pagka-arogante

  • Elias- binatang kaibigan ni Ibarra na kinamumuhian ang mga Espanyol

  • Kapitan Tiago - mayaman at iginagalang sa Maynila

  • Pilosopo Tasyo - maalam na matanda na nag-aral ng pilosopiya

  • Crispin at Basilio - magkapatid na anak ni Sisa

  • Sisa- ina ni Basilio at Crispin

Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na isinulat ni Jose Rizal tungkol sa malupit at maling pamamalakad ng mga dayuhang Kastila.

Ang kwento ay umiikot sa isang binatang nagngangalang Ibarra. Bumalik siya sa Pilipinas mula sa pag-aaral sa Europa nang malaman ang mapait na sinapit ng kanyang amang pumanaw na. Magpapatuloy pa ang kwento sa pagnanais niya na magpatayo ng paaralan para sa kabataang Pilipino at ang hindi pagsang-ayon dito ni Padre Damaso na ayaw sa kanya at sa pag-ibig niya para kay Maria Clara.

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome


Comments

Popular posts from this blog