Ano Ang Pangyayari Sa Noli Me Tangere Na Nangyayari Sa Kasalukuyan?

Ano ang pangyayari sa noli me tangere na nangyayari sa kasalukuyan?

1. KAHINAAN NG MGA KABABAIHAN.

Ginamit ni Rizal si Sisa para maipakita na noon pa mang panahon may mga babae na sunod-sunuran sa kanilang asawa. Hinahayaan lang nila na saktan sila ng kanilang asawa na kahit sa kasalukuyan nangyayari ito kayat nagkaroon na tayo ng batas tungkol sa pananakit sa mga babae.

2. KAKULANGAN SA PAG-AARAL.

Ginamit ni Rizal ang magkapatid na Crispin at Basilio para maipakita na noon at sa kasalukuyan may mga bata na hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan sa buhay.

3. FEELING MAYAMAN/SOCIAL CLIMBER.

Ginamit ni Rizal sila Donya Victorina at Donya Consolacion para maipakita na noon at hanggang sa kasalukuyan may mga babae na nag fefeeling sosyal. Mga hindi nagpapakatotoo sakanilang sarili. Mga uhaw sa papuri ng ibang tao.

Actually marami yan. Bawat Kabanata sa Noli may gustong ipakita sa atin si Rizal "Social Cancer" ika nga. Reminder, hindi ko nilalahat, as I said "may mga".


Comments

Popular posts from this blog