Ano Ang Mga Mahahalagang Pangyayari Ng Kabanata 36 Noli Me Tangere

Ano ang mga mahahalagang pangyayari ng kabanata 36 noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Mga Mahahalagang Pangyayari:

1. Nagkaroon ng malaking gulo sa bahay nina kapitan Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria Clara  ay panay ang pagtangis at hindi nakikinig sa payo ng kanyang ate at ni Andeng dahil sa pagbabawal sa kanya na kausapin si Crisostomo Ibarra.

2. Nagtungo si Kapitan Tiyago sa kumbento. Doon ay kinausap siya ng mga prayle ukol sa nangyari sa pagitan ni Ibarra at ni Padre Damaso.Samantalang pilit inaalo ng tiyahin at pinsan si Maria Clara.

3. Bumalik ng kanyang tahanan si Kapitan Tiyago. Sinabi niya na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Samantalang si Pari Sibyla ay nagsabi na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na limampung libong piso sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa.

4. Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria at sinabing may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan na maging panibagong katipan ni Maria. Nasindak ang mga kausap ni Kapitan lao na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga tenga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.

5. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ang arsobispo. Pero sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang iyon sapagkat ang arsobispo ay isang prayle.

6. Dumating ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya  Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti siyang nag-ayos ng katawan.

Read more on

brainly.ph/question/2163780

brainly.ph/question/2166821

brainly.ph/question/282254


Comments

Popular posts from this blog