Ano Ang Kahalagahan Ni Crisostomo Ibarra Sa Nobela?

Ano ang kahalagahan ni Crisostomo Ibarra sa Nobela?

Crisostomo Ibarra

Si Crisostomo Ibarra ay mahalaga sa nobela sapagkat siya ang pangunahing tauhan. Ang kuwento ng nobela ay nakasentro sa kanya. Siya rin ang sumasalamin sa naging buhay ni Rizal. Ang kanyang mga karanasan ay siya ring karanasan ni Dr. Rizal. Imahe siya ng mga Pilipinong nagnanais matuto at makapag - aral noong panahon ng Kastila.

Mga Katangian ni Crisostomo Ibarra:

  1. Si Crisostomo Ibarra ay nakilala sa nobelang Noli Me Tangere bilang ang matipuno at matalinong anak ni Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang makapagtapos ng pag - aaral.
  2. Isa sa mga natatangi niyang katangian bukod dito ay ang ayaw niya na may nagagalit sa kanya. Marahil ito ay upang hindi siya na matulad sa kanyang ama na itinuring na erehe at pilibustero.
  3. Nais niya na makilala siya bilang isang taong maprinsipyo at makatwiran. Batid niya na sa oras na merong magalit sa kanya ay madadamay sa galit na ito ang kanyang pamilya at ang kasintahan na si Maria Clara.
  4. Hindi maipagkakaila na maging ang kurang si Pari Salvi ay hindi kayang pantayan ang pagiging malapit ni Ibarra sa kanyang kasintahan na si Maria Clara kaya naman labis ang paninibugho ng kura na mayroon ding pagtangi sa dalaga bagay na hindi lingid sa dalaga at kay Crisostomo Ibarra.
  5. Maging ang mga kaibigan ni Ibarra ay naapektuhan ng galit ng mga prayle sa kanya sapagkat ang kanyang kaibigang si Quiroga ay hindi nakatanggap ng konsulado sa kanyang bansa sa kabila ng kasipagan at pagiging magiliw nito sa mga prayle. Katunayan, nagkaroon pa ito ng pagkakautang kay Simoun (ang bagong Ibarra) upang mabigyan lamang ng regalo ang isang babae na kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.

Sino si Crisostomo Ibarra: brainly.ph/question/1261459

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog